
Nag-isyu ng petition for disqualification ang Commission on Elections Task Force SAFE kay Silang, Cavite Mayoral Candidate Atty. Kevin Anarna.
Ito ay kaugnay sa kontrobersiyal na biro ni Anarna sa gitna ng kampanya noon kaugnay sa solo parents.
Batay sa kopya ng petisyon, naging basehan ng paghahain ng disqualification case ang anti-discrimination sa ilalim ng Comelec Resolution no. 11116, na nagpapatupad ng Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines.
Una nang pinadalhan ng show cause order si Anarna sa kaniyang naging biro.
Facebook Comments









