Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) second division ang Certificate of Candidacy (COC) ng aktor na si Edu Manzano, na tumatakbong kongresista ng San Juan.
Batay sa 15 pahinang desisyon ng nasabing dibisyon, nagsinungaling umano si Manzano hinggil sa kaniyang Filipino citizenship kaya pinaboran ang petisyon na inihain laban sa kaniyang kandidatura ng isang Sophia Patricia Gil.
Nakasaad rin sa ruling na walang direktang ebidensya ng “oath of allegiance” ni Manzano na naka-rehistro sa local civil registry sa lugar kung saan ito nakatira.
Sa kabila nito, maaari pang iapela ni Manzano ang naturang desisyon sa Comelec en banc.
Mababatid na dati ng naging vice mayor ng Makati si Edu noong 1998 hanggang 200 at limang taon din siyang naging pinuno ng Optical Media Board mula noong 2004.
Tumakbo pero natalo siya bilang vice president noong 2010 elections at senador noong 2016 polls.