Ion Perez, nagpahayag ng nararamdaman kay Vice Ganda

Hindi na talaga maikakailang may namamagitan ngayon kina Vice Ganda at Ion “Kuya Escort” Perez.

Ito ay matapos lumabas ang video ng sabihin ni Ion na mahal niya si Vice Ganda sa kanilang concert sa Amerika.

Bukod dito, ilang larawan rin ng dalawa ang kumakalat sa social media kung saan makikita na tila nag-di-date ang mga ito.


Sa kanyang Instagram stories, ipinost naman ni Ion ang message na hayaan na lang ang matang mapang-husga ang importante raw ay masaya ang puso.

Kamakailan ay ipinakilala rin ni Ion si Vice sa kanyang kapatid na babae na nakatira sa Amerika.

Wala pang kumpirmasyon sina Vice at Ion ukol sa kanilang relasyon kahit malinaw sa kanilang mga aksyon ang feelings nila sa bawat isa.

Facebook Comments