Kandidatura ni VP Leni, suportado ng grupo ng mga abogado

Nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo ang mga naging dating presidente ng Philippine Bar Association.

Anila, si Robredo ang kandidato na nakikita nilang mayroong kaparehong mithiin na kanilang ipinaglalaban noon.

Bumuo anila si Robredo ng buhay na nagsisilbi sa mga mahihirap para matiyak na walang sinuman ang maiiwan.


Sa loob ng ilang dekada, nagsilbi rin siyang mabait at marangal na mukha sa legal na propesyon sa mga pinakanapapabayaang lugar.

Naniniwala rin ang grupo na maibabalik ni Robredo ang Rule of Law.

Anila, kailangan ng bansa ng isang pinuno na magiging inspirasyon ng mga tao para maibalik ang tiwala sa gobyerno na naipakita ni Robredo sa mga ginawa niyang pagtugon sa panahon ng pandemya.

Tiwala rin sila na ligtas kay Robredo ang secutiry interests ng bansa sa West Philippine Sea.

Facebook Comments