Manila, Philippines – Sinuspinde ng Kamara ang budget briefings nito para ihayag ang mariing pagtutol sa ‘cash-based budgeting’.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson, Davao City Representative Karlo Nograles, ang suspensyon ng budget hearings ay resulta ng pinagsama-samang desisyon ng Mababang Kapulungan.
Para aniya ‘consistent’ ang posisyon ng Kamara hinggil sa isinusulong na bagong budget sceme ng Department of Budget and Management (DBM) para sa ₱3.757 trillion 2019 national budget.
Giit ni Nograles, gusto ng lower chamber na manatili ang ‘obligation-based’ budgeting para hindi maapektuhan ang paghahatid ng basic services.
Mananatili ang suspensyon hangga’t walang inilalabas na bagong anunsyo.
Facebook Comments