KANSELADO | Ilang mga sasakyang pandagat nagkansela ng kanilang mga biyahe

Inihayag ngayon ng Philipoine Coast Guard (PCG) na kinansela ng ilang mga sasakyang pandagat ang kanilang mga biyahe sa Palawan, Masbate at Bicol Region.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo nag isyu ng advisory ang M/V “Phimal 2” ng cancellation ng kanilang trip mula Coron Pier papuntang El Nido Pier kung saan 83 pasahero ang naistranded maging ang Barge Jenny ay nag isyu rin ng advisory sa cancellation ng kanilang biyahe mula Nagoya Port, Barangay Rio Tuba Bataraza papuntang Pier 4 North Harbor.

Ang M/V “Phimal Fast Ferry” nag isyu rin advisory ng cancellation ng kanilang trip mula El Nido Pier papuntang Coron Pier on 17 kung saan 234 passengers ay naistranded habang ang M/V “City of Iloilo” Montenegro ay nag isyu rin advisory ng cancellation ng kanilang trip mula El Nido Pier papuntang Coron Pier kung saan 78 passengers ang naistranded.


Paliwanag ni Balilo maging ang M/BCA “Maxim” ay nag isyu rin ng advisory ng cancellation ng kanilang trip mula San Pascual, Masbate papuntang Port of Pasacao, Camarines at 34 passengers ang naistranded sa Bicol Region at ang M/V “Anika Gayl” nag isyu rin advisory ng cancellation ng kanilang biyahe mula Dumaguete Port papuntang Port of Siquijor kung saan 235 mga pasahero ang na-stranded.

Pinayuhan nila Balilo ang publiko na maging mapagmatyag habang patuloy ang kanilang ginagawa monitoring sa mga sasakyang pandagat dulot ng sama ng panahon.

Facebook Comments