Manila, Philippines – Hindi matutuloy ngayong araw ang pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga labor group.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Joel Maglungsod, inabisuhan sila ng Office of the President na ang nakatakdang meeting ay kinansela.
Aniya, hindi nagbigay ng dahilan ng tanggapan ng Pangulo.
Una rito, umaasa si DOLE Secretary Silvestre Bello III na mapipirmahan na sa pulong ang executive order ukol sa contractualization.
Giit ngayon ng tagapagsalita ng labor coalition na nagkaisa na si Rene Magtubo, ang ginawang pagkansela sa pulong ay patunay na nagdadalawang isip ang Pangulo sa paglagda sa E-O.
Para naman kay Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog, hindi sineseryoso ni Duterte ang pagpasa sa E-O na makakatulong sana sa mga kontraktwal na manggagawa.