KANSELADO | Pasok sa mga opisina sa ilalim ng executive branch sa Dec. 26, sinuspinde

Manila, Philippines – Sinuspinde na rin ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng executive department sa December 26.

Sa Memorandum circular number 55 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte suspendido ang pasok sa mga kagawaran ng pamahalaan, government owned and controlled corporations, government financial institutions, Local Government Units (LGUs), State Universities and Colleges at iba pang tanggapan ng pamahalaan sa executive department.

Layon ng nasabing kautusan na mabigyan pa ng mas mahabang pagkakataon ang mga empleyado ng pamahalaan na ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang kanilang pamilya.


Hindi naman kasama sa suspensyon ng pasok ang mga nasa linya ng basic services, health services at relief, disaster at rescue operations.

Ipinaubaya na rin ng Palasyo sa pribadong sektor kung tutulad sa hakbang na ito kung saan bahala na rin naman ang iba pang sangay ng pamahalaan sa pag-anunsiyo kung gagawin din ang kaparehong kautusan.

Facebook Comments