KANSELADONG KONTRATA | DOTr, hindi tinangap ang apela ng MIASCOR

Manila, Philippines – Hindi tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) ang apela ng MIASCOR Aviation Services na muling ikunsidera ang pagkansela sa kanilang kontrata bilang ground handler ng ilang paliparan sa bansa.

Nag-ugat ang pagkansela ng kanilang kontrata sa insidente ng ‘bukas-bagahe’ sa Clark International Airport kung saan nananakawan ng nasa 83,000 ang isang OFW.

Ayon sa DOTr, papanindigan nila ang kanilang desiyon na hindi i-renew ang kontrata ng MIASCOR sa Manila International Airport Authority (MIAA). Pero sinabi ng ahensya na bukas pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang apela ng MIASCOR.


Nabatid na libu-libong empleyado ng MIASCOR ang apektado sa contract termination.

Facebook Comments