Kanto ng Times Street sa Quezon City na malapit sa bahay ni PNoy, nagmistulang tourist attraction

Dinarayo pa rin ngayon ang kanto ng Times Street sa Quezon City na malapit sa bahay ni dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III (PNoy) para kumuha ng litrato.

Lahat ng dumaraan sa nasabing lugar ay huminto kahit ito ay service vehicle o pribadong sasakayan man.

Ang iba naman ay nag-aalay rin ng mga bulaklak at kandila kung saan nakalagay ang larawan ng dating pangulo sa LED TV.


Maliban dito, mayroon ding mga nag-iwan ng sulat na nagpapahayag ng pasasalamat dahil sa mga nagawa nito sa bayan bilang dating pangulo ng bansa.

Noong Huwebes, pumanaw sa edad na 61 si PNoy dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Facebook Comments