KAPA founder at ilang opisyal ng religious group, binigyan ng ultimatum ng DOJ

2281

Mayroon na lamang hanggang sa susunod na Lunes o July 15 sina Kapa Community Ministry International INC Founder Joel Apolinario at mga opisyal nito upang maghain ng kani-kanilang kontra salaysay.

 

Kaugnay ito ng reklamong paglabag sa ilang probisyon ng security regulation code na inihain ng Securities and Exchange Commision.

 

Ayon sa DOJ, kapag nabigo pa rin ang grupo ni Apolinario na maghain ng sagot ay reresolbahin na ng panel of prosecutors ang kaso batay narin sa mga nilang dokumento nitong nakalipas na biyernes, inisnab ni Apolinario at iba pang respondents ang pagdinig ng DOJ.


 

Wala ring abogadong pinadala ang mga inirereklamo para magrepresent sana sa kanila sa preliminary investigation.

Facebook Comments