Nakawala at napisat na mga sisiw, nagdulot ng trapiko sa NLEX

367
Image via Alex Oco Reginio

Nalungkot ang mga netizen sa sinapit ng daan-daang sisiw na nadaganan dahil sa aksidente ng truck sa Bocaue Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) na nagdulot ng trapiko nitong Sabado.

Ibinahagi ni Pilar Patrice Manuel ang mga larawan kung saan nagkalat ang mga sisiw sa ilalim ng truck. Maraming nadaganan na mga sisiw at sinalba naman ang mga maaari pang isalba.

“@patricecinnamon: A truck containing crates of chicks met an accident northbound NLEX near the Bocaue tollgate earlier this afternoon. Vehicular traffic is temporarily stopped while civilians and expressway patrol officers try to save as many chicks as they could.”


Umani naman ng reaksyon sa mga netizen ang nangyaring aksidente. Ani nila, nakakaawa ang mga sisiw na napipi lamang ng truck.

Dahil sa aksidente, nagdulot ng matinding trapiko ang mga nakawalang sisiw sa kalsada.

Facebook Comments