KAPA founder Joel Apolinario at 6 nilang opisyal, ipinaaaresto na ng hukuman

FILE PHOTO

BISLIG CITY, SURIGAO DEL SUR – Naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) branch 29 sa naturang bayan laban sa founder ng KAPA Community Ministry International na si Pastor Joel Apolinario at iba pang opisyales nito.

Ipinaaresto sila ng hukuman dahil sa paglabag Republic Act. No. 8799 o Securities Regulation Code na isinampa ng Department of Justice noong nakaraang taon.

Batay sa reklamo ng DOJ, nagbebenta raw at nag-aalok ng securities sa kanilang mga kasapi kahit walang registration statement na inaprubahan ng Security and Exchanges Commission (SEC).


Gumamit umano ang grupo ng ponzi scheme at nangakong magbibigay ng 30% interes sa mga investor mula P10,000 hanggang P2 million.

Kasama din sa mga ipinapahuli ng korte ang mga sumusunod na miyembro:

  • Reyna L. Apolinario – Corporate Secretary
  • Margie Danao – Trustee
  • Marisol Diaz
  • Adelfa Fernandico
  • Reniones Catubigan
  • Moises Mopia

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2019 na ipasara ang KAPA Community International Ministries bunsod ng katiwalian.

Sa parehong buwan, inamin ni Apolinario na nagtatago siya dahil sa mga banta sa kaniyang buhay.

Facebook Comments