Suspek sa panununog sa 2-anyos na paslit sa Lanao del Norte, natagpuang patay

868

Wala nang buhay nang matagpuan ng pulisya nitong Huwebes ng madaling ang suspek na nanunog sa isang 2-anyos na bata sa Maigo, Lanao del Norte.

Nadiskubre na lamang ng awtoridad ang bangkay ni Florencio Curay, 55, na nakabigti sa palikuran ng custodial facility ng Maigo Municipal Police Station.


Ayon kay Police Lieutenant Baltazar Deguilmo, ginamit ng suspek ang sling bag na pinaglagyan ng mga damit na inihatid sa kulungan ng kanyang anak.

Kinasuhan ng kasong pagpatay kaugnay ng Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law si Curay matapos sunugin ang anak ng kaluguyo dahil sa nawawalang pera noong Linggo.

(BASAHIN: 2-anyos, sinunog ng kalaguyo ng ina dahil umano sa nawawalang pera)

Siniguro naman ng pulisya na walang foul play na nangyari, ngunit isasaalim pa rin sa autopsy ang bangkay ng suspek.



Facebook Comments