Kapa Founder Joel Apolinario at iba pang opisyal ng religious group, kinasuhan ng NBI sa DOJ

6396

Nagsampa ang National Bureau of Investigation o NBI-NCR ng 8-counts ng syndicated estafa sa Department of Justice o DOJ laban kay KAPA founder Pastor Joel Apolinario at labing apat na iba pang opisyal ng KAPA.

 

kaugnay pa ito rin sa multi-bilyong investment scam.


 

Ayon sa NBI, tatlong miyembro ng Kapa ang kanilang complainant subalit tumanggi silang pangalanan ang mga ito.

 

Ang mga nagreklamo ay nag-invest ng 530K sa KAPA subalit wala raw nakabalik na blessing mula sa religious group.

 

Una  na ring naghain ang Securities and Exchange Commission o SEC ng reklamo sa DOJ  laban sa KAPA, partikular ang paglabag sa sections 8 at 28 ng RA 8799 o Securities Regulation Code.

Facebook Comments