Sales Lady pinagbabaril ng Riding in Tandem sa Dagupan City, patay

Dagupan City – Patay ang isang sales lady sa Dagupan City matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem habang nakasakay sa tri-bike pauwi sa kanilang bahay. Kinilala ng mga pulis amg biktimang si Analyn De Vera, 36 anyos , residente ng Bacayao Norte Dagupan City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Dagupan, sumakay ng padyak ang biktima upang makauwi sa kanila ng sundan ang sinasakyan ito ng riding in tandem at walang habas na pinagbabaril ng tatlong beses na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkasawi.

Natagpuan sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 at dalawa pang bala ng nasabing baril. Patuloy ang imbestigasyon ng PNP Dagupan sa nasabing pamamasalang.


Facebook Comments