Nagtatago umano ngayon dahil sa mga banta sa kanyang buhay si Pastor Joel Apolinario, founder ng Kapa Community Ministry International Inc. (KAPA).
(video starts at 17:00)
Sa huling bidyong inilabas niya para sa mga miyembro ng KAPA, humingi ito ng pang-unawa sa panandaliang pagkakawala.
Nakiusap din siyang sumama lahat ng kasapi ng religious organization sa mga ginaganap na prayer rally.
“I am begging you please participate in this synchronized prayer rally… ipapakita po natin sa kanila na marami pong maapektuhan, lalung-lalo na po yung mga trabahante po sa ating mga businesses na kasalukuyang na-freeze na ang pinagkukunan po ng ating source para makapagbigay po tayo ng mga financial assistance sa lahat po ng mga miyembro,” pahayag ni Apolinario.
Hling ni Apolinario, maging kalmado ang lahat dahil sa exisiting writ of prelimary injunction, isang katibayan na maari silang mag-operate muli, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi din niyang naka-freeze lahat ng pera at assets nila ng asawang si Reyna matapos iutos ng gobyernong imbestigahan at ipasara lahat ng opisina ng Kapa.
Kamakailan, pina-hold ng Security and Exchange Commission (SEC) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) lahat ng pagmamay-ari ng Kapa na umaabot sa mahigit P100 million.
Huling namataan ang Kapa founder kasama ang maybahay nitong si Reyna noong Hunyo 13 sa isinagawang prayer rally sa Pedro Acharon Sports Complex, General Santos City.