Kapa officials, dumulog sa Korte Suprema kaugnay ng crackdown ng pamahalaan

Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang Kapa Community Ministry International sa harap ng closure order na pinatutupad ng gobyerno.

Partikular  na hiniling sa Supreme Court ng Kapa donor na Rhema International Livelihood Foundation Inc o Cirfund na mapatigil ang implementasyon ng Securities and Exchange Commission sa pagpapasara sa Kapa.

Hiniling din ng  Cirfund na pagbayarin ng tatlong bilyong pisong danyos sina Pangulong Duterte, at SEC Chairman Emilio Aquino.


Nais din ng grupo na mapatalsik sa pwesto ang pangulo sa pamamagitan ng impeachment process dahil daw sa paglabag sa Konstitusyon partikular ang culpable violation ng Art. II Sec. 6 at Art. III o ang Bills of Rights of the Philippine Constitution.”

Una nang sinampahan ng NBI ng syndicated estafa ang mga opisyal ng Kapa sa pangunguna ni Pastor Joel Apolinario dahil sa sinasabing investment scam ng naturang religious group.

Kasama rin sa respondents sa nasabing petisyon sina PNP chief Oscar Albayalde, NBI Director Dante Gierran,CIDG, Sunstar Cebu at Rappler Inc.

Facebook Comments