Kapa officials, posibleng maisyuhan ng HDO

Pinag-aaralan ng National Bureau of Investigation (NBI) na haranging makalabas ng bansa ang mga opisyal ng Kapa-Ministry International maging ang founder nito na si Joel Apolinario.

Ayon kay NBI Deputy Director for Regional Operation Service Antonio Pagatpat – nakikipag-coordinate na si NBI Director Dante Gierran kay Justice Secretary Menardo Guevarra para sa posibilidad na maglabas ng Hold Departure Order (HDO) laban sa Kapa.

Sinabi rin ni Pagatpat na nabigyan na si Gierran ng listahan ng Kapa officers at incorporators na posibleng makasuhan dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.


Matatandaang nagsilbi ng search warrants ang NBI at sinalakay ang mga tanggapan ng Kapa sa Quezon City, Taytay, Tabon City, Cagayan deo Oro City, at General Santos City.

Aabot sa 2.2 million pesos na cash ang nakumpiska ng NBI sa Taytay at 300,000 pesos sa Cagayan de Oro.

Samantala, inihahanda na ng NBI ang reklamo laban sa Kapa para sa posibleng kasong large scale estafa at paglabag sa Securities Corporation Code of the Philippines.

Facebook Comments