KAPAKANAN NG MGA KABATAAN SA MANGALDAN, BINIBIGYANG-DIIN SA NATIONAL CHILDREN’S MONTH

Binigyang-pansin ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan, Pangasinan ang kapakanan at karapatan ng mga kabataan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.

Katuwang ng LGU sa selebrasyon ang Council for the Welfare of Children (CWC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at National Youth Commission (NYC) na may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!”

Layon ng tema na palakasin ang panawagan laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation through Media (CSAEM) sa panahon ng lumalawak na paggamit ng internet.

Patuloy namang ipinatutupad ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Mangaldan ang mga programang pangkabataan na nakatuon sa child protection, digital literacy, at responsableng paggamit ng teknolohiya.

Samantala, nakiisa rin ang bayan ng Manaoag sa nasabing pagdiriwang, habang nagsagawa naman ng Children’s Congress ang lungsod ng Dagupan bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kaligtasan ng kabataan.

Facebook Comments