Nagbigay-pugay sa mga manggagawang Pilipino si Senator Christopher “Bong” Go ngayong Araw ng Paggawa.
Sinabi ni Go na simula noon hanggang ngayon, ang mga manggagawang Pilipino ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng ekononiya ng bansa.
Ayon kay Go, ang pag-unlad na tinatamasa sa bansa ay bunga ng sipag at husay ng mga manggagawa.
Dahil dito ay binigyang – diin ni Go na mahalagang protektahan ang kalusugan, karapatan at kapakanan ng lahat ng manggagawang Pilipino.
Tiniyak ni Go na patuloy ang gobyerno sa pagsusulong ng karapatan ng mga magigiting na manggagawa lalo na sa panahon ng krisis na tulad ngayon dahil sa COVID-19.
Hinimok naman ni Go ang mga employers na unahin ang kapakanan ng mga manggagawa sa gitna ng epekto ng pandemya sa socio-economic.
Umapela naman si Go sa lahat na magkaisa para isulong ang kapakanan ng bawat manggagawa para makamit ang isang masaganang kinabukasan habang dahan-dahan ang pagbubukas at pag-recover ng ekonomiya.