Mas pinag-iigting ang health care system sa lungsod ng Dagupan bilang isa rin ito sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na mapalawig pa ang pangkalusugang aspeto ng mga residente sa lungsod.
Alinsunod dito ang inilunsad na libreng CT Scan partikular para sa mga indigent Dagupenos na makapagbibigay tulong sa pagtukoy ng mga sakit at kondisyon sa mga bahagi ng katawan ng sinumang sasailalim sa medical equipment na ito.
Saklaw pa ng libreng serbisyong medikal na hatid para sa mga Dagupeno ang libreng Electrocardiogram (ECG), Ultrasound at X-rays.
Saad ni Mayor Fernandez na malaking tulong ito para sa mga mahihirap ng residente ng Dagupan lalo na at mahal ang bayad ng mga ito sa mga ospital.
Maaari nang magtungo ang mga nais na sumailalim dito sa City Health Office sa lungsod dahil bukas din ito mula Lunes hanggang Biyernes, sa oras na alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Paglilinaw ay ang mga sasailalim sa mga CT Scan, Electrocardiogram (ECG), Ultrasound at X-rays ay kinakailangang may dala dalang request mula sa kanilang attending doctor.
Pinapalawak din ang isinasagawang home visitation ng lokal na pamahalaan ng na naglalayong makapagpaabot ng tulong sa mga residenteng may sakit na nangangailangan ng medical attention o assistance. |ifmnews
Facebook Comments