Kapalaran ng Cebu governor, ipapaubaya ni Pangulong Duterte sa DILG

Hindi nagugustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmamatigas ng Cebu province ukol sa pagpapatupad ng pamahalaan ng health protocols para sa international arrivals.

Nabatid na ipinapatupad ng Cebu ang kanilang swab test-upon-arrival policy para sa returning Filipinos, na iba sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa kanyang Talk to the Nation Address, ipinauubaya na ni Pangulong Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magiging kapalaran ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia.


Mayroong aniyang paraan para mapilitang sumunod ang probinsya sa pamahalaan.

Punto pa ng pangulo na ang lahat ng desisyon ng pamahalaan ay nakabase sa rekomendasyon ng medical experts.

Kapag tumanggi pa rin ang Cebu na ipatupad ang protocols, ipatatawag ng DILG si Gov. Garcia para magpaliwanag.

Facebook Comments