Kapalit ni Sec. Panelo bilang Chief Presidential Legal Counsel pinangalanan na ng Palasyo

374

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Usec. Jesus Melchor Quitain bilang bagong Chief Presidential Legal Counsel (CPLC).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Papalitan ni Usec. Quitain ang binakanteng pwesto ni Secretary Salvador Panelo, na tatakbong senador sa darating na halalan sa 2022.


Si Usec. Quintain ay dati na ring itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Special Assistant to the President (SAP) noong 2018.

Facebook Comments