Magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, cited in contempt at pinapa-aresto ng Senate Blue Ribbon Committee

1254

Cited in contempt at pinapa-aresto ng Senate Blue Ribbon Committee ngayon sa Senate Sergeant-at-Arms ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani.

Si Mohit ang Secretary at Treasurer ng Pharmally Pharmaceutical Corporation habang si Twinkle naman ang President.

Ang pag-contempt at pagpapa-aresto sa magkapatid na Dargani ay isinulong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil sa patuloy nilang pagtanggi na isumite ang mga hinihinging dokumento ng komite.


Patungkol ang mga dokumento sa iniimbestigahan ng komite na iregular na pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DMB) sa Pharmally.

Ikinatwiran ni Mohit Dargani na hindi naman sila tumatanggi o sumusuway sa hiling ng Senado kundi sinusunod lang nila ang payo ng kanilang abogado na pag-invoke o paggiit ng karapatan nila at ng Pharmally.

Sabi ni Drilon, mahalaga ang mga dokumentong hinihingi nila sa Pharmally na magpapakita na may overpricing talaga sa pandemic supplies na ibinenta nito sa gobyerno.



Samantala, sa ngayon ay nananatiling naka-detain sa Senado si Pharmally Director Linconn Ong.

Facebook Comments