Kapamagayun Task Force papalakasin ang kampanya kontra terorismo at droga

Pinangunahan ni 603rd Brigade Commander Col. Jesus Sarsagat ang 2nd Regular Meeting ng binuong Inter- Agency Task Force Kapamagayun.

Isinagawa ang aktibidad sa Municipal Hall ng Talayan na dinaluhan ng mga alkalde at mga respresentante ng mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Talayan, Datu Anggal Midtimbang, Guindulungan, Talitay at Mother Kabuntalan , 5th Special Forces, 19th Infantry Batallion at mga Chief of Police.

Lumagda din ang mga ito sa isang MOU na naglalayun na lalo pang mapalakas ang kampanya kontra terorismo, illegal drugs at kriminalidad.


Hinimok naman ng binuong Task Force Kapamagayun ang kani kanilang mga kababayan na maiisa at suportahan ang kanilang adbokasiya. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments