Nagsanib-puwersa ang mga artista mula sa ABS-CBN at GMA 7 para suportahan ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa ginanap na premiere night nitong Martes sa SM Megamall, dumalo ang mga Kapamilya celebrities na sila Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Joshua Garcia, Loisa Andalio, Edward Barber, at Donny Pangilinan.
Pumunta rin ang mga Kapuso stars na sina Christian Bautista, Ruru Madrid, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Benj Manalo, Mikee Quintos, at Betong Sumaya.
Matapos mapanood, pinuri nila sina Alden at Kathryn dahil maganda ang kinalabasan ng “Hello, Love, Goodbye”.
Samantala, hanggang sa social media, hinihikayat ng mga kapwa-artista at katrabaho nila sa industriya na panoorin ang pinag-uusapang pelikula ng taon.
Sa Twitter post ni Maine Mendoza, other half ng tinaguriang AlDub loveteam, binati nito sina Alden at Kathryn.
GUUUYS! Hello, Love, Goodbye now showing in over 350 cinemas nationwide! Sugod na sa sinehan! Congrats, @aldenrichards02 and @bernardokath! 💖 pic.twitter.com/NcGEE2VN3o
— Maine Mendoza (@mainedcm) July 31, 2019
Prinopromote rin ito ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” kung saan kabilang si Alden.
Hello Love, Goodbye
Now Showing in 350 Cinemas Nationwide pic.twitter.com/MBMBXspOit— Eat Bulaga (@EatBulaga) July 31, 2019
Ayon sa premyadong direktor na si Mae Cruz Alviar, naramdaman niya ang karakter na ginampanan ng dalawa.
So many positive things to say about Hello, Love, Goodbye! Napakahusay ni Alden at ni Kath! They made me believe that they were really in love. Ang lakas ng chemistry nila! And I felt for their characters. Ang galing niyo!👏🏼
— Mae Cruz Alviar (@queenbeemae) July 30, 2019
Humanga din sa pelikula si Karla Estrada, nanay ni Daniel Padilla na nobyo ni Kathryn.
Now showing!! Ang ganda ng pelikula!👏🏼👏🏼👏🏼 congratulations bernardokath @aldenrichards02 starcinema direk Cathy Garcia Molina and to The entire Cast! See you guys in all theaters worldwide!!! https://t.co/lMOVBO5qeO
— karla estrada (@Estrada21Karla) July 31, 2019
Sabi ng komedyanteng si Bayani Agbayani, siguraduhing may baong tisyu dahil hanggang paglabas ng sinehan iiyak ka.
Hindi ko alam pero kating kati ang mga daliri kong purihin si @bernardokath @aldenrichards02 sa kanilang pelikula. Hanggang paglabas ng sinehan, maiiyak ka. Napakahusay mo Direk Cathy. Deserved maging Box Office ang pelikulang ito.
— Bayani Agbayani (@angbayani) July 30, 2019
All-out support din si dabarkads Pauleen Luna-Sotto.
#HelloLoveGoodbye now showing in 350 cinemas nationwide! Nood na! Congrats @aldenrichards02 & @bernardokath! #HelloLoveBegins pic.twitter.com/AQeIOslF1n
— Marie Pauleen Luna-Sotto (@paulunasotto) July 31, 2019
Pahayag ng mamamahayag na si Julius Babao, hindi lamang umiikot ang storya sa pag-ibig, maging sa buhay ng mga OFW.
A touching insight into the complicated lives of our OFW’s. The movie makes us realize how hard it is to strike a balance in life with the many challenges affecting our dear OFW’s. So much respect for them. Congrats Alden, Kathryn & Cathy. #HelloLoveGoodbyeWorldPremiere pic.twitter.com/PrWhu2T34q
— julius babao (@juLiusbabao) July 30, 2019
Patunay lamang na sa mga ganitong pagkakataon, hindi umiiral ang network war sa pagitan ng dalawang istasyon.
Sa kasalukuyan, top trending sa Twitter ang #HelloLoveGoodbye.