PNP SOSIA, may bago nang hepe

252

Nakapwesto na bilang Acting Chief ng PNP-SOSIA o Supervisory Office for Security and Investigation Agencies si PCol. Michael John F. Dubria.

Si Col. Dubria ay miyembro ng PMA class of 1991.

Pinalitan ni Col. Dubria si PBGen. Noli Romana na nagretiro sa serbisyo kahapon pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Ang turnover ceremony kahapon sa Camp Crame ay pinangunahan ni PMGen. Reynaldo Biay, Director ng Civil Security Group.

Bilin ni  MGen. Biay kay Col. Durbia na ituloy lang ang nasimulan ni BGen. Romana na pag-upgrade ng sistema  at kagamitan ng SOSIA upang mas maayos na  mapagsilbihan ang Civil Security Community.

Ang PNP-SOSIA ang nagbibigay ng lisensya sa mga pribadong security guards at security agencies.

Facebook Comments