Kapamilya network, kinumpirma ang indefinite postponement ng pelikulang Darna

83

Naglabas na ng official statement ang Kapamilya network kaugnay ng indefinite postponement ng pelikulang Darna.

Batay sa statement ng TV network, ang desisyon na ito ay dumaan sa maingat na delibirasyon dulot na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.


Mahihirapan raw kasi ang production na gawin ang crowd shots, fight scenes at physical contact habang sumusunod sa new normal guidelines.

Nagpasalamat naman ang Kapamilya network sa cast, staff, production crew ng pelikula, gayundin sa pamilya Ravelo at sa fans ng Darna sa kanilang suporta at pag-intindi sa kanilang desisyon.

Facebook Comments