Kapasidad ng mga barko, itinaas na sa 70%

Kinumpirma ng Maritime Industry Authority (MARINA) na itinaas na rin sa 70% ang pinapayagang mga pasahero sa mga barko.

Ayon kay MARINA Administrator Vice Admiral Robert Empedrad, ito ay alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Mula ito sa dating 50% capacity sa mga barko na pinapayagan noon.


Sa ganitong paraan aniya, unti-unting makakabangon ang mga kompanya ng ferry at marami na ring mga pasahero ang makakabiyahe.

Tiniyak naman ni Empedrad na mahigpit pa ring paiiralin sa mga barko ang minimum health standards upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments