Bilang parte ng selebrasyon ng National Children’s Month nagsagawa ng isang programa ang lokal na pamahalaan ng San Fernando City, La Union na tututok sa paglinang ng kanilang mga kakayahan.
Nasa 40 bata ang dumalo sa isang programa kung saan natuto silang gumawa at nagdisenyo ng cake san a layuning ipakita ang kanilang pagkamalikhain sa pagdidisenyo ng makukulay na cake.
Pinagtuunan ng pansin sa aktibidad ang isa sa apat na basic rights of a child development kung saan pinaigting natin ang kapasidad ng kabataang matuto at linangin ang kanilang galing at kakayahan.
Ang iba pang kabataan ay sasabak sa susunod na sabado upang magkakaroon ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang pagkamalikhain. |ifmnews
Facebook Comments