MANILA – Iginiit ni Presidential Aspirant Sen. Grace Poe na hindi makukuha ang kapayapaan ng isang bansa sa pamamagitan ng dahas.Sa kanyang kampanya sa Surigao del Norte, sinabi ni Poe na dapat na maging matigas ang gobyerno sa pagresolba sa krimen at iligal na droga pero dapat din itong maging makatarungan at responsable.Aniya, kailangan ng malinis na pamamahala at tulong ng mga mamamayan para maging ligtas at “drug-free” ang buong komunidad.Ayon pa kay Poe, idedeklara niya ang iligal na droga bilang banta sa pambansang seguridad at kung mananalo sa halalan ay gagamitin niya ang intelligence fund ng presidente para paigtingin ang pagsugpo sa kriminalidad.Sa ilalim ng “gobyernong may puso,” sabi pa ni Poe, ipa-prayoridad niya ang pagresolba sa kahirapan na siyang ugat ng kriminalidad sa bansa.
Kapayapaan Ng Bansa Hindi Makukuha Sa Pamamagitan Ng Dahas Ayon Kay Presidential Aspirant Sen. Grace Poe
Facebook Comments