Masarap humigop ng mainit na kape sa umaga iyan ang ating nakasanayan, ngunit isang kakaibang sining ang itinampok gamit ang kape hindi bilang inumin, kundi bilang pangunahing kasangkapan sa pagpipinta.
Noong Hulyo 31, 2025, umarangkada ang coffee art class sa SM Center Dagupan na pinangunahan ni Pangasinan Artist, Mr. Fritz Isiah Caoile. Ipinakita nito na sa halip na mga tradisyunal na pintura ay pwedeng gumamit ng kape upang makalikha ng isang obra maestra.
Nagpakita ng husay at galing ang mga lumahok sa paggawa ng art gamit ang kape at kahit first time ng iba sa kanila ay kita sa mga larawan ang kanilang pagkamalikhain.
Isa itong patunay na ang sining ay walang limitasyon, at kahit ang iniinom nating kape ay maaaring maging instrumento ng malikhaing pagpapahayag sa kabila ng pagiging simple ng materyales.
Layunin ng Coffee art class na hikayatin ang mas maraming tao na subukan ang sining sa alternatibong paraan, minsan sapat na ang isang tasa ng kape at bukas na isipan upang makalikha ng isang kahanga-hangang obra. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









