Manila, Philippines -Isang coffees stall sa City of Yogyakarta ang dinadayo ngayon dahil sa kakaiba nilang toppings sa café.
Ang “Kopi Joss”, na original recipe mula pa noong 1960’s ng namayapang si Mr. Man ay patuloy na ginagawa ngayon ng may-ari ng stall na si Mr. Alex.
Ang nasabing kopi joss ay may toppings ng nagbabagang uling kung saan maiinum mo lamang ito kapag namatay na ang baga at isantabi ito sa platito.
Nabatid na kaya daw ng kopi joss na mabawasan ang nararamdaman mong pamamaga sa anumang parte ng katawan, nausea, heartburn at diarrhea.
Noong una, pawang mga estudyante lanag ang sumusubok nito pero nang makilala ay tinatangkilik na ito ng mga mamamayan sa kanilang bayan maging ng mga turista.
Sa halagang 4,000 rupiah (P15.00) ay maaari mo nang matikman ang kopi joss na siguradong ikaw ay masasarapan.
DZXL558