Kapitan, Binaril sa Ramon, Isabela!

160

Ramon, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa Santiago City Medical
Hospital ang isang Barangay Captain matapos barilin ng hindi pa
nakikilalang suspek pasado alas diyes ngayong umaga, Marso 17,2018 sa
Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Ang kapitan ay kinilalang si Norlito Lebii, 48 anyos, may asawa at
residente ng Brgy. Bantug, Ramon, Isabela.

Sa pakikipanayam ng RMN Cauayan News Team kay Chief Investigator Jake
Coloma ng PNP Ramon, nakasandal umano si Lebii sa kanyang Elf ng may
lumapit na isang lalaki at biglang pinaputukan ng isang beses sa kanyang
mukha na agad namang isinugod ng Rescue 316 sa ospital.

Ayon naman sa mga saksi sa insidente, nakasuot umano ng itim na jacket,
sumbrero at bonete ang suspek na agad humarurot matapos barilin ang kapitan
lulan ang kanyang motorsiklo patungong Santiago City.

Pinaghahanap na ngayon ng PNP Ramon ang suspek at kasalukuyang inaalam ang
motibo sa pamamaril habang inihahanda na ang kakaharaping kasong Bigong
Pagpatay.

Cauayan, Ramon, Isabela, Luzon

Facebook Comments