Kapitan ng F/B Gem-Ver, nalungkot sa naging pahayag ni PRRD

Dismayado ang kapitan ng F/B Gem-Ver, ang barkong na hit and run ng isang Chinese vessel noong Martes sa Recto Bank, sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa lamang simpleng maritime incident ang nangyari.

Ayon kay Jonel Insigne, kapitan ng F/B Gem-Ver, nalulungkot siya sa naging pahayag ng Pangulo dahil parang balewala ang pagbangga sa kanila.

Matapos na banggain, sinabi ni Insigne na nagtalunan ang ibang mga kasamahan sa dagat habang ang iba ay nakasampa sa barko habang papalubog na.


Imbes na tulungan matapos banggain ay iniwanan daw sila ng Chinese vessel.

Giit ni Insigne, kailangan pa bang hihintayin ng pamahalaan na may mamatay sa kanila bago ito aksyunan.

Una nang iginiit ng Pangulo na kahit gustuhin nitong magpadala ng barko sa West Philippine Sea, hindi niya magagawa dahil hindi handa ang pamahalaan sa giyera sakaling magkaroon ng maling aksyon ang gobyerno.

Facebook Comments