Wowowin contestant na bumati sa ‘madlang people’, kinagiliwan

1945

Ikinatuwa ng marami ang isang batang contestant sa Kapuso game show na ‘Wowowin’ matapos itong bumati sa mga taga-kabilang network, ABS-CBN.

Tapat at bibong sumagot si Jed, grade 1 student sa pasukan, nang tanungin siya ng host na si Willie Revillame kung sino ang kaniyang paboritong artista.


Sagot ni Jed, iniidolo niya si Ronnie at ‘Cardo.’

Si ‘Cardo’ ang bidang karakter ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano, at ang Ronnie naman na tinutukoy niya ay si Ronnie Alonte na mapapanood sa ‘It’s Showtime’ at ‘The General’s Daughter’–ang dalawa ay parehong Kapamilya stars.

Nang ipabati sa kanya ni Revillame ang mga idolo, bahagyang nag-alangan o bumwelo lang ang bata at saka sumigaw ng “What’s up madlang people” na nagpatawa sa audience.

“What’s up madlang people” ay tatak ng noontime show na ‘It’s Showtime’ sa ABS-CBN.

Nagbiro naman ang host at sinabing “nakakatuwa ‘tong batang ‘to. Solid ka sa GMA.”

Kinagiliwan ng netizens ang katapatan at ka-inosentehan ng bata.

Facebook Comments

From Advertisers