Hihilingin ng kapitan ng F/B Gem-Vir 1 kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang mga mangingisdang Tsino sa Recto Bank.
Si Jonel Insigne, ang kapitan ng bangkang pangisda na binangga ng Chinese vessel sa West Philippine Sea ay makikipagpulong sa Pangulo para talakayin ang insidente.
Ayon kay Insigne – maliban sa pag-ban sa mga Chinese fishermen sa Recto Bank, hihilingin din nila kay Pangulong Duterte ang tulong para sa pagsasa-ayos ng nasirang bangka at panagutin ang mga Chinese crew sa insidente.
Samantala, inanunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kanselado na ang nakatakdang special meeting ng Pangulo kasama ang kanyang cabinet members para pag-usapan ang Recto Bank incident.
Bago ito sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpatawag ng Pangulo ng pulong hinggil dito na itinakda sana ngayong araw.