Kapitolyo ng Isabela, Niyanig ng Lindol?

Ilagan City, Isabela – Niyanig ng malakas na lindol ang kapitolyo ng Isabela.

Ito ang scenario na nasaksihan mismo ng RMN Cauayan News Team na kunwari ay naganap kanina bandang alas dos ng hapon December 15, 2017 sa earthquake drill na pinangunahan ng Public Safety Office ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office(PDRRMO) at Isabela Rescue 831.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Kay Atty Watu Foronda ng Public Safety Office, kanyang sinabi na ito ay alinsunod sa kautusan ng NDRRMC na magsagawa ng sabayang earthquake drill sa buong bansa.


Paraan ito ng pagpapamulat sa mga mamamayan sa mga dapat gawin sakaling dumating ang pagkakataon na may totoong magaganap na lindol sa anumang panig ng bansa at mapaghandaan ang anumang pinsalang idudulot nito.

Naging seryoso ang lahat ng empleyado sa pagsasagawa ng “duck,cover,and hold” habang kunwari ay nagaganap ang lindol,at ng matapos ang pagyanig at agad na lumikas and mga empleyado at ilang mga kliyente ng pamahalaang panlalawigan sa nakatakdang evacuation areas.

Ang earthquake drill na ginanap kaninang hapon ay isa sa mga napag-usapan sa ginanap na Isabela Provincial Risk Reduction and Management Council Meeting sa kapitolyo ng Isabela sa araw ding ito.

Ito din ay ginaganap ng apat na beses sa kada taon bilang pakikibahagi ng lalawigan sa pambansang programa ng NDRRMC at OCD.

Magugunitang ang mga aktibidad na ito ng PDRRMC Isabela at ang maayos na pagpapatupad nito ay isa sa mga dahilan ng pagkakakuha ng Isabela sa tatlong magkakasunod na taon ng Gawad Kalasag Award.




Facebook Comments