Plano ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang pag rerenovate at sa pagpapaganda ng Capitol Complex na matatagpuan sa bayan ng Lingayen para sa mas marami pang turista ang dumayo rito.
Ito ang inihayag ng Sangguniang Panlalawigan sa pagnanais nito na mas pagandahin at i-improve pa ang naturang gusali dahil isa ito sa nakikitang magiging tourist attraction sa lalawigan.
Sa isang panayam sinabi ni Bise-Gobernador Mark Ronald Lambino na mayroon na umanong nakalaan na pondong isandaang milyong piso para sa renovation nito kung saan sinuportahan din ito ni Senador Alan Cayetano.
Dagdag pa ng opisyal, sakaling natapos na ang renobasyon nito ay nakapanghihikayat pa ito ng mas maraming turista, mas tataas ang tourism industry at mas lalong makikilala ang probinsya ng Pangasinan.
Samantala, sa isang panayam, tiniyak naman ng Gobernador ng Pangasinan na si Gov. Ramon Guico III na sakaling mag-umpisa na ang pagsasaayos rito ay hindi umano maantala o maaapektuhan ang trabaho ng mga empleyado rito. |ifmnews
Facebook Comments