Kapitolyo sa Shariff Aguak muling bubuksan, White House sa Buluan gagawing Hospital- Bai Mariam

“Sa Provincial Capitol na nasa Shariff Aguak ako mag-oopisina”. Ito ang mariing inihayag ni Maguindanao Governor Elect Bai Mariam Sangki Mangudadatu .
Ito rin aniya ang nakasaad sa batas bunsod na rin na ang bayan ng Shariff Aguak ay ang tunay na sentro ng Maguindanao dagdag ni Bai Mariam.
Nauna na ring inihayag ni Bai Mariam kasabay ng kanyang kampanya sa ibat ibang bayan sa lalawigan na muli nitong bubuksan ang Kapitolyo sa Shariff Aguak sakaling maihahalal sa Maguindanao.
Sa ngayon, naging kampo na lamang ng military ang buong Capitol Ground sa Shariff Aguak matapos itong maabandona matapos ang nangyaring insidente sa Sitio Masalay, Brgy . Salman Ampatuan.
Binuksan ang Kapitolyo sa Shariff Aguak noong 2009 na nilahukan mismo ng nooy Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa administarasyon ni late Governor Andal Ampatuan Sr. Sinasabing nagkakahalaga ito ng ₱218-million.
Samantala, sinasabing plano ngayon ni GMSM na gawing Hospital ang White House sa Buluan o ang bagong gawang Provincial Capitol. Sinasabing 500 Million Pesos ang naging pundo sa pagpapagawa nito at nabuksan lamang noong nakaraang mga buwan at pinangunahan mismo ni president Rody Duterte.

GOOGLE PIC

Facebook Comments