KAPOTE PARA SA MGA MAG-AARAL, MULING IPINAMAHAGI

CAUAYAN CITY – Namahagi muli ng kapote ang Bayan ng Tumauini sa bawat mag-aaral na nasa baitang isa hanggang tatlo.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa apat na eskwelahan sa naturang bayan gaya ng Manuel Moldero Elementary School, Fugu Abajo Elementary School, Fugu Elementary School at Malamag East Elementary School.

Pinangunahan ni SB Sharina Lu T. Bautista-Medrano ang nasabing programa bilang pagpapakita ng malasakit sa mga mag-aaral lalo na at panahon na naman ng tag-ulan.


Samantala, sa mga susunod na araw ay magpapatuloy ang nasabing programa upang masiguro ang lahat ay mabibigyan ng panangga sa ulan.

Facebook Comments