Kapulisan at Maguindanao Government naglunsad ng Gyera kontra Dengue

Naglunsad ng gyera kontra Lamok na nagdadala ng Dengue ang Provincial Government ng Maguindanao.

Layunin nito ay upang maibsan ang lumulubong kaso ng Dengue sa buong lalawigan.

Noong nakaraang araw, pinulong ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu ang mga Baranggay Officials mula sa ibat ibang bayan .


Kabilang sa napag-usapan ang pagpapanatili ng kalinisan di lamang sa kani kanilang mga Baranggay Hall kundi sa lahat ng kanilang mga kabaranggay. Napakahalaga aniya na manguna sa kampanya ang mga Brgy. Officials giit pa ng Gobernadora.

Bukod sa mga opisyales ng baranggay, nakiisa na rin ang mga elemento ng kapulisan sa buong lalawigan. May direktiba na rin ang pamunuan ng Maguindanao PNP na makiisa ang lahat ng mga Municipal Police Station sa clean-up drive at 4 oclock habbit.
Sinimulan na rin ang Oplan Bulabog Lamok o ang pagsira sa mga pinamumugaran ng mga lamok.

Sinasabing nasa 668 na ang kinapitan ng Dengue sa buong Maguindanao simula noong Enero hanggang noong July , siyam dito ang nasawi.

Patuloy naman ang mga ginagawang inisyatiba ng IPHO Maguindanao para makaiwas ang publiko sa Dengue.
Maguindanao PPO and PGO Pics


Facebook Comments