KAPULISAN NG CAUAYAN, BANTAY SARADO SA FILING NG COC SA COMELEC CAUAYAN

CAUAYAN CITY- Bagama’t tahimik at mapayapa ang Lungsod ng Cauayan pagdating sa eleksyon ay nananatiling nakabantay ang hanay ang kapulisan lalo na ngayong panahon ng filing ng certificate of candidacy para May 2025 Election.

Sa panayam ng IFM News Team kay PLTCol. Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng CCPS, ngayong nagsimula ang pagsusumite ng COC ay siya namang simula ng kanilang pagtulong sa COMELEC Cauayan pagdating sa seguridad.

Aniya, nagsagawa ng panelling ang K9-unit sa naturang opisina at nagtalaga rin ng police assistant desk na maaaring mag-assist sa mga aspiring candidates na magtutungo sa opisina.


Bukod sa PNP Cauayan, magbibigay seguridad din ang Mobile Force Company at SWAT Team.

Samantala, sinisiguro naman ni PLTCol. na magiging maayos at mapayapa ang filing ng COC ngayong taon.

Facebook Comments