Iligan City – Natanggap na ng kapulisan sa lungsod ng iligan ang direktiba sa pagpapatigil sa kanila sa pagsasagawa ng operasyon tokhang at double barrel.
Sinabi ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga na pinagbawalan na sila ngayon na gumawa ng kahit ano mang hakbang hinggil sa pagsasagawa ng operasyon laban sa illegal na druga.
Mismong galing kay Presidente Rodrigo Duterte ang natanggap nilang direktiba kung saan tinahasan ngayon na gumawa ng nasabing hakbang ay ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Sila na umano ang gagawa sa lahat ng sinimulang operasyon ng kapulisan laban sa pagsumpo ng illegal na druga hindi lang sa lungsod ng iligan kun hindi sa buong bansa.
Naniniwala si Ga sa kakayahan ng mga tauhan ng PDEA sa pagpapatuloy ng kanilang hangarin na masumpo ang talamak na problema ng illegal na druga sa bansa.(Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Kapulisan ng ILIGAN, nakatanggap na ng direktiba sa pagpapatigil sa kanilang pagsasagawa ng operasyon laban sa illegal na druga
Facebook Comments