Kapulisan ng ILIGAN, nakatanggap na ng direktiba sa pagpapatigil sa kanilang pagsasagawa ng operasyon laban sa illegal na druga

31

Iligan City – Natanggap  na ng kapulisan sa lungsod ng  iligan ang direktiba sa pagpapatigil sa kanila sa pagsasagawa ng operasyon tokhang at double barrel. 
Sinabi  ni PNP City Director Police Senior  Superintendent Leony Roy Ga na  pinagbawalan  na sila ngayon  na gumawa ng  kahit ano mang hakbang hinggil sa pagsasagawa ng operasyon laban sa illegal na druga. 
Mismong  galing  kay  Presidente  Rodrigo Duterte ang natanggap nilang direktiba kung saan tinahasan ngayon na gumawa ng nasabing hakbang ay ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. 
Sila  na umano ang gagawa sa lahat ng sinimulang operasyon ng kapulisan laban sa pagsumpo ng illegal na druga hindi lang sa lungsod ng iligan kun hindi sa buong bansa. 
Naniniwala  si Ga  sa  kakayahan  ng  mga tauhan ng PDEA sa pagpapatuloy ng kanilang hangarin  na  masumpo  ang talamak na problema ng illegal na druga sa bansa.(Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)

Facebook Comments