Cauayan City, Isabela – Pinangunahan ng kapulisan ang pagtataas ng bandila ng bansa sa lahat ng pampublikong paaralan sa unang araw ng pasukan at pinalawak ang bilang ng mga pulis sa mga lugar na malapit sa mga eskwelahan.
Ayon kay Police Superintendent Warlito Jagto, Chief Officer ng Police Community Relations Office o PCR ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na ang unang pagtataas ng watawat sa mga paaralan ay simbulo umano ng mahigpit na ugnayan ng kapulisan, mga guro at mag-aaral dito sa lalawigan.
Aniya kabilang din na pinalawak ang bilang ng kapulisan sa mga lugar na malapit sa mga paaralan at sa mga national highway upang maiwasan ang anumang problema.
Nakahanda narin umano ang Police Assistance Desk malapit sa mga paaralan upang may malapitan ang mga magulang, mga guro at taga-sundo o tagapag-alaga ng mga estudyante kung sakaling may magiging problema.
Samantala magtatalaga umano ng checkpoints sa lahat ng mga lansangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante lalo na ang mga pampasaherong sasakyan na lumalabag sa batas trapiko tulad ng over loading at over speeding.