Magpapadala pa ang pamahalaan ng karagdagang medical personnel sa Cebu City para tulungan ang kasalukuyang health system capacity ng lungsod na labanan ang COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, limang medical doctors ang itinalaga sa Cebu City, habang 22 ang nagboluntaryong tumulong sa iba pang ospital ng lungsod.
Ikinalugod ni Duque na may mga doktor ang nagnanais na magsilbi sa Cebu City.
Ang mga volunteers ay mula sa Philippine Society of Medical Specialist sa Government Service.
Nasa 270 nurses, at 40 doctors ang itinalaga sa 19 government hospitals at 21 infirmaries sa Cebu City.
Bukod dito, nasa 9 na doctor, 9 na nurses at 11 medics mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagboluntaryo ring tumulong.
Muling binigyang diin ni Duque ang health measures, contact tracing, testing at isolation ng mga kaso ang susi sa pagkontrol ng COVID-19.