Karagdagan pang 300 OFW, dumating na sa bansa mula Qatar, ayon sa DFA

Dumating na sa bansa kahapon ng hapon, August 01, 2020 ang 300 Overseas Filipino Workers o OFW mula sa bansang Qatar.

Sakay ng Qatar Airways, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga land-based at sea-based OFW at iba pang returning stranded tourists.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pagkalapag sa airport ay agad silang sumailalim sa `Safety protocols briefing at Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test alinsunod sa utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).


Pansamantala sila mananatili ngayon sa approved facilities ng Bureau of Quarantine para sa mandatory quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

Sa kabuuan, umabot na sa 115,793 OFW ang napauwi na sa bansa dahil sa epekto ng COVID-19 mula noong Pebrero sa ilalim ng repatration program.

Facebook Comments