Karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Alas 7:30 kaninang umaga ng dumating ang nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport – Terminal 3 via Cebu Pacific flight 5J 671.

Personal na sinalubong ito ng mga opisyal ng National Task Force Against COVID-19.


Bukod dito, inaasahan ding darating bukas ng umaga ang isa pang milyong dose ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Sa ngayon ay umabot na sa 31,360,700 doses ang COVID-19 vaccine sa bansa mula sa mga manufacturers ng AstraZeneca, Pfizer, Sinovac, Gamaleya, Moderna, at Johnson & Johnson.

Sa nasabing bilang 27 million doses dito ang naipamahagi sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments